Pangulong Duterte, may sisibakin pang mga opisyal ngayon


Nasa mood si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsibak sa mga tiwaling opisyal ng Pamahalaan.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pangunguna sa inagurasyon ng Communications Navigation and Surveillance/Air Traffic Management Systems Development Project sa Civil Aviations Authority Compound (CNS/ATM) sa Pasay City ay sinabi nito na marami pa siyang opisyal ng Pamahalaan na sisibakin bukas.

Nagbabala din si Pangulong Duterte sa mga nasa gobyerno na mahilig bumiyahe sa labas ng bansa na umalis na lamang sa serbisyo publiko.

Sakali naman aniyang lalabas ng bansa ang isang opisyal ay kailangang ipaliwanag nito ng mabuti kung ano ang magiging benepisyo nito sa pamahalaan.

Agad namang nilinaw ng Pangulo na hindi siya nagpapaka-ipokrito at hindi rin nagmamalinis na trabahador ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo, may mga pagkakamali din siya subalit hindi sa usapin sa pera ng bayan.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Komentar