Pangulong Duterte may sisibaking top-level official


Mayroon na namang opisyal na sisibakin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa katiwalian.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakatakda nitong ianunsiyo sa Enero 3.

Gusto sana aniya ni Pangulong Duterte na sa mismong Bagong Taon ang ihahayag na sisibaking opisyal pero siya ang nagdesisyong sa Miyerkules na lamang gawin ito para makapagdiwang pa ng ang opistal ng bagong taon.


“Actually, dapat meron akong iaanunsyo na sisibakin na naman. Ako na po ang nagdesisyon sa atres na ng Enero kasi gusto nga niya a-uno i-announce mo, sibak na naman. Eh sabi ko, wag naman po mr. President. Pabayaan muna natin maghappy new year yung sisibakin. Pagdating ng January 3 saka na natin siya sisibakin,” ani Roque.

Mistulang blind item pa kung sumagot si Roque dahil pinanindigan nito na sa Miyerkules na lamang isisiwalat kung sino ang sisibaking opisyal at isa aniya itong nasa top level position.

Gusto aniya ng Pangulo na “big fish” ang ehemplo para ipakitang seryoso ito sa kampanya kontra katiwalian.

“Gusto niya na talaga mga mataba para magsilbing ehemplo. Walang maliliit na isda. Puro mga big fish ang ginagamit niyang ehemplo;” dagdag pa ni Roque.

Matatandaang nasa hot water ang mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa isyu ng magarbong christmas party at kasama rin sa mga isinumbong sa Pangulo ang Administrador ng Marina dahil sa madalas na biyahe sa abroad.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment