Thursday, January 18, 2018

Pangulong Duterte, pinag-isipang ipagbawal ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait


Pinag-iisipan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng pagbabawal sa pagde-deploy ng mga Overseas Filipino Worker sa Kuwait.

Ito ay kasunod na rin ng pagkamatay ng apat na manggagawang Pilipina sa nabanggit na bansa.

Sabi ni Pangulong Duterte, naka-usap na niya si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano tungkol dito.

Ayon pa sa punong ehekutibo, pwede nilang kausapin ang pamahalaan ng Kuwait hinggil sa sinapit ng mga Filipina worker doon o tigilan na lang ang pagpapadala ng mga manggagawang pinoy sa Kuwait.

Source: RMN

Related Articles

Pangulong Duterte, pinag-isipang ipagbawal ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email