Pangulong Duterte, pinapuputol ang kontrata ng Clark airport sa Miascor


Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na putulin na ang kontrata ng Clark International Airport sa service provider na Miascor.

Kaugnay ito ng anim na empleyadong nagnakaw ng bagahe sa pasaherong OFW na si Jovenil Dela Cruz mula Bulacan.

“I would demand that there will be justice instantly. Kung sino ‘yung provider, service provider diyan, you terminate the contract and look for another one,” sabi ni Duterte.



“People must see clearly that even to the small man, Filipino, there is justice for him,” dagdag pa niya.

Nabayaran na ang halaga ng mga nawalang gamit ni dela Cruz. Nasibak na ang mga suspek at sinampahan na rin ng kasong pagnanakaw. Pero ang pangulo, nagsabing huwag magpapa-areglo.

“Walang areglo diyan. ‘Pag hindi, parusahan ko kayo. Kung hindi ninyo gawin, ako ang papatay diyan. Isa-salvage. P***** i**. Sinabi na nga ‘wag eh. Ang Pilipino hindi matuto ‘pag hindi mo ginanun eh. Or they continue to do it unless you put a stop to it. And I would not hesitate to take you out. Tutal marami na lang rin akong kaso diyan, eh dagdagan ko na lang,” sabi ni Duterte.

Nagbanta rin ang pangulo na sisibakin ang mga opisyal ng pamunuan ng airport kung may maulit pa muling nakawan.


“The next time, if it happens, I will fire you. Sigurado ‘yan. Basta may nangyari pa ulit na maski nakawan o ano, I will fire you,” sabi ni Duterte.

Ilan sa mga kliyente ng Miascor ay ang Malaysian Airlines, Air Hong Kong, Federal Express, United Airlines, Jetstar Asia, Jetstar Japan, Saudi Arabian Airlines, Turkish Airlines, Jeju Airlines at Cebu Pacific.

Source: NEWS5
Previous
Next Post »
0 Comment