Sunday, January 7, 2018

Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III, nahulihan ng kontrabando sa loob ng kulungan


Ilang kontrabando ang nasabat sa loob ng kulungan ni Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III.

Kabilang sa mga nakuha ang dalawang cellphone, dalawang charger, at isang improvised cigarette.

Ayon sa mga otoridad, bago pa isinagawa ang operasyon ay sinabihan na si Marcaida na boluntaryong isuko ang mga hawak niyang kontrabando.

Una niyang isinuko ang dalawang cellphone pero nang halughugin ang selda, doon nila nakuha ang iba pang mga gamit.

Dahil dito, isang oras na lang pwedeng mabisita ng kanyang pamilya ang bise alkalde.

Source: RMN

Related Articles

Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III, nahulihan ng kontrabando sa loob ng kulungan
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email