Friday, January 19, 2018

‘Pweradalism’ ang malilikha sa Senate-less Cha-cha – Hontiveros


Tinawag ni Akbayan Sen. Risa Hontiveros ang pagpipilit ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng Senate- less Constituent Assembly (Con-ass) na isang pagtatangka para maitatag ang “Pweradalism”.

Pumalag din ito sa banta ni Alvarez na makakatanggap ng “zero budgets” ang mga lalawigan na hindi susuporta sa federalism na isinusulong ng Pangulo.


“Pweradalism ang sinusulong ng administrasyong Duterte. Etsa-pwera ang Senado sa proseso ng pagbabago ng Konstitusyon. Etsa-pwera ang mamamayan at ang kanilang lehitimong interes at kapakanan. Etsa-pwera ang mga local government units (LGUs) na may agam-agam. At etsa-pwera ang demokrasya at karapatang pantao,” anang senadora.

Ani Hontiveros, importante ang Charter Change (Cha-cha) sa balak na pagpapalit ng political system pero gusto ng administrasyong Duterte na baguhin ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constitutional Assembly (Con-ass).

“It is very clear that the agenda of amendment, through a Con-ass, is to facilitate the transition to Duterte’s ‘pweradalism’, which will impact greatly on term limits and the composition of the legislature, including the present legislature. I urge the people to oppose this move. Hindi pupuwede na ietsa-pwera ng gobyernong ito ang tinig at boses ng mamamayan,” giit pa ni Hontiveros.

Source: ABANTE

Related Articles

‘Pweradalism’ ang malilikha sa Senate-less Cha-cha – Hontiveros
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email