Monday, January 22, 2018

WATCH | Janet Napoles "Magkaibigan kami ni Drilon at nagbigay ako ng P5M campaign fund sa kanya"


Matapos ang apat na taong pananahimik ay nagsalita na ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles at pinangalanan ang mga pulitikong nakinabang sa kanya.

Sa expose’ ni Napoles kay Erwin Tulfo na inilabas sa PTV4, sinabi nitong humingi sa kanya ng P5 milyong campaign fund ang Liberal Party senator na si Senador Franklin Drilon para sa kanyang kandidatura.


Nanindigan si Napoles na kilala siya ni Drilon pero pagkatapos nitong manalo ay nagtaka siya dahil hindi na siya umano pinapansin ni Drilon at itinanggi pang kilala siya nang pumutok na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Ayon pa kay Napoles, sa tingin ng publiko ay napakalinis ng senador dahil sa ipinapakita nitong imahe pero mayroon aniya itong itinatagong lihim.

Iginiit ni Napoles na hindi idineklara ni Drilon sa Commission on Elections (Comelec) ang naturang halaga kahit nanalo na itong senador.

Batay sa regulasyon ng Comelec, maaaring matanggal sa puwesto ang sinumang nanalong kandidato kapag hindi idineklara ng tama ang nagastos na campaign fund sa kanilang Statement of Contribution and Expenditures tulad ng nangyari kay dating Laguna Governor Emilio Ramon “E.R. ” Ejercito na sumobra naman ang ginastos sa kanyang campaign ads.

Tumanggi munang magkomento si Senate President Koko Pimentel sa expose’ ni Napoles pero bukas naman aniya ang Ethics Committee basta may mga ebidensya na magpatunay sa alegasyon laban sa senador.

Bwelta ni Franklin Drilon "P5M mula kay Napoles, fake news!"


Tinawag ni Senate minority leader Franklin Drilon na fake news ang alegasyon na tumanggap siya ng P5 milyon na campaign fund mula kay Janet Lim Napoles, ang tinaguriang pork barrel queen.

Ayon kay Drilon, hindi siya tumanggap ng kontribusyon mula kay Napoles.

Imbento lang umano ito para gipitin silang mga taga-oposisyon kaya hindi na niya sasagutin pa.

“We deny having received campaign contribution from Napoles,” ani Drilon.

“We will not further comment on such obviously fake news intended to harass the opposition,” dagdag nito.

Idiniin na nakalista ang lahat ng nag-ambag sa kaniyang kampanya sa Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) na isinumite nya sa Commission on Elections (COMELEC).

Bukas umano iyon sa pagbusisi ng publiko.

Related Articles

WATCH | Janet Napoles "Magkaibigan kami ni Drilon at nagbigay ako ng P5M campaign fund sa kanya"
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email