Wednesday, February 21, 2018

15-anyos estudyante, paulit-ulit na ginahasa ng kaniyang guro, kinikilan pa siya ng kinakasama ng suspek


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 15-anyos na dalagitang estudyante sa San Carlos City, Pangasinan, na bukod sa paulit-ulit umanong ginahasa ng kaniyang guro, kinikilan pa siya ng kinakasama ng suspek kapalit ng hindi pagpapalabas ng kaniyang mga malalaswang litrato at video.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA News "Balita Pilipinas" nitong Miyerkoles, sinabing ginahasa si "Jane," hindi niya tunay na pangalan, sa loob ng apat na buwan ng kaniyang guro na kinilalang si Florencio Bagaforo.


Nagsimula umano ang pangmomolestiya sa kaniya Nobyembre noong nakaraang taon.

Pinagbantaan siya ni Bagaforo, kaya hindi siya nakapagsumbong agad.

"Tinatakot niya po ako para po sumama po ako sa kanya. Ganoon po hanggang po sa pauli-ulit niya po akong pinagsasamantalahan," ayon kay Jane.

"Sobrang sakit ang ginawa nila sa anak ko kasi habambuhay dala niya iyang pagkawasak ng pagkatao niya na ginawa nila. Hindi ko matanggap talaga iyan," sabi naman ng ina ng biktima.

Arestado naman sa pananakot at pangingikil umano ang kinakasama ni Bagaforo na si Maria Louisa Brillantes nang magsagawa ng entrapment operation ang National Bureau of Investigation.

Nadiskubre ni Brillantes sa cellphone ni Bagaforo ang pananamantala nito kay Jane. Ginamit niya ito para kikilan ang biktima, na umabot na sa P2,000.

Kapalit nito ang hindi paglalabas ng mga malalaswang litrato at video ng dalagita.

"Itong babae, tini-threat na niya itong bata na victim na kung hindi magbigay ng ganitong amount ikakalat niya 'yung mga nude pictures/videos na malalaswa, ganoon," sabi ni Roberto Gonzales, Special Investigator, NBI-Dagupan City.

Tumangging humarap sa kamera si Brillantes ngunit sinabi niyang nagawa niya lang ito dahil sa matinding selos.

Nahaharap si Brillantes sa kasong extortion, samantalang tinutugis ng mga otoridad ang suspek na si Bagaforo na nahaharap sa 12 counts of rape.

Source: GMA

Related Articles

15-anyos estudyante, paulit-ulit na ginahasa ng kaniyang guro, kinikilan pa siya ng kinakasama ng suspek
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email