39 miyembro ng NPA sa Sultan Kudarat, sumuko


Kusang sumuko sa militar ang nasa 39 miyembro ng New People’s Army sa Sultan Kudarat.

Ayon kay 33rd Infantry Battalion Comanding Officer Lt. Col. Harold Cabunoc, ang mga rebelde ay miyembro ng Guerilla Front Committee 73 na ngayon ay tinatawag na daguma sub region command sa pangunguna nina Kumander Yoyo at Kumander Makmak.

Kasamang isunuko ng mga rebelde ang matatas na klase ng baril tulad ng M14, M16, Garand Rifle, Carbine, Tompson Assault Rifle, Shotgun at mga Pistol.

Dahil dito, makakatanggap ng package ang mga returnee dahil sa baril na kanilang isinuko at bawat isa sa kanila ay mayroong P65,000 pondo mula sa Local Government Unit at dagdag na P20,000 mula sa Department Of The Interior And Local Government.

Source:RMN
Previous
Next Post »
0 Comment