Sunday, February 25, 2018

Aquino at Sereno inireklamo ng graft


Isang abogado na konektado sa Volunteers Against Crime and Corruption ang naghain ng reklamong graft laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inihain ni Atty. Eligio Mallari ang reklamo sa Office of the Ombudsman.

Ang reklamo ay batay sa alegasyon ng dalawang Supreme Court justices na nagsabing hindi dapat isama si Sereno sa listahan ng mga nominees para sa posisyon ng pagka-Chief Justice noong 2012 dahil hindi nito nasunod ang lahat ng requirement para sa aplikasyon ng nasabing posisyon.

Nauna nang sinabi ng mga justices sa pagdinig sa Kamara sa impeachment complaint ni Sereno na hindi nagsumite ang Punong Mahistrado sa Judicial and Bar Council (JBC) ng kanyang statements of assets, liabilities and net worth mula 1986 at 2006, noong siya ay professor pa sa UP College of Law.

Itinalaga ni Aquino si Sereno sa nasabing posisyon.

Bukod kay Sereno at Aquino, kasama din sa reklamo sina JBC Executive Officer Annaliza Capacite at dating Chief of Office Selection and Nomination Richard Pascual.

Source: ABANTE

Related Articles

Aquino at Sereno inireklamo ng graft
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email