Bam Aquino: Dapat lang ibalik ng mga SUC ang anumang tuition fee na siningil nila sa mga estudyante


Hinikayat ni Senator Bam Aquino ang Commission on Higher Education (CHED) na sundin ang panawagan ng Senado na ipatupad ang batas sa libreng kolehiyo sa ikalawang semester ng school year 2017-2018.

“Nagkaisa ang Senado na manawagan sa CHED na gawing libre na ang tuition pati miscellaneous fees sa SUCs, ipatupad na ang batas as soon as possible,” sabi ni Aquino.


“Hindi nila napatupad sa napagkasunduang timeline, kaya ang kompromiso natin ay refund. Dapat lang ibalik ng mga SUC ang anumang tuition fee at miscellaneous fee na siningil nila sa mga estudyante,”dagdag pa niya.

Matatandaang, inulit ni Aquino noong bicameral conference committee ang tungkol sa RA 10931 kung saan nagkaisa ang mga kinatawan ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ipatupad ang batas sa second semester ng 2017-18.


Dagdag pa rito, ipinaalala ni Aquino sa CHED ang katiyakang ibinigay nito noong tinatalakay ang budget para sa RA 10931 na sapat ang P41 bilyong pondo para maisama ang tuition at iba pang bayarin sa SUCs simula sa ikalawang semester ng 2017-2018.

“May pondo na, ito ang gusto ng parehong executive at ng legislative, nararapat lang na ipatupad na ng CHED ang libreng kolehiyo,” sabi ni Aquino.

Source: NEWS5
Previous
Next Post »
0 Comment