Federalismo magaganap sa termino ni Pangulong Duterte - Chief Justice Reynato Puno



KUMBINSIDO si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno na malapit nang magkaroon ng katuparan ang pagpapalit ng kasalukuyang sistema ng pamahalaan mula sa presidential tungo sa pederalismo.

“Itong pederalismo ay halos abot kamay na natin. At ito po ay kung tayo’y papatnubayan ng ating Maykapal ay mangyayari at mangyayari sa panahon ng ating Pangulong (Rodrigo) Duterte,” ayon kay Puno.


Inihayag ito ni Puno sa pagtitipon ng mga grupo at mga opisyal ng pamahalaan na sumusuporta sa pederalismo na ginanap sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City noong Sabado.

Si Puno ang itinalagang chairman ng Consultative Committee na binuo ni Pangulong Duterte para pag-aralan ang pag-amyenda sa Saligang Batas. Hiniling pa ni Puno sa mga Filipino na suportahan ang plano ng
kasalukuyang administrasyon dahil magdudulot anya ito ng pagbabago sa bansa at makikinabang ang mga susunod na henerasyon.

“Ang pinakamahalaga po ay ang boses ng sambayanan kaya po kami sa Consultative Committee ay palaging makikiisa sa inyo, makikinig sa inyo ng mga kahilingan sapagkat sa isang demokrasya kayo po ang
tinatawag nating sovereign, kayo po ang boss sa isang demokrasya,” ayon kay Puno.

Marami pa anyang pagdinig na gagawin ang komite pero tiniyak ni Puno na kanilang isusumite ang mga rekomendasyon kay Pangulong Duterte bago ito humarap sa taumbayan para sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (SONA) sa Hul­yo 2018.\

News: Abante News Online
Previous
Next Post »
0 Comment