Sunday, February 4, 2018

Hamon ni Pangulong Duterte na imbestigahan ang umano’y ill-gotten wealth niya, pinatulan ni Sen. Trillanes


Muling nanawagan si Senador Antonio Trillanes na imbestigahan ang umano’y bilyun-bilyong pera sa bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng mismong hamon ng pangulo sa kongreso na imbestigahan siya sa umano’y kanyang ill-gotten wealth.

Kaugnay nito, pormal na maghahain bukas ng resolusyon si Trillanes para ipasilip ang bank documents ni Pangulong Duterte at anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.


Sabi ni Trillanes, ang paghahain niya ng resolusyon ay bilang pagtanggap sa hamon ng pangulo nang sa gayon ay lumabas na rin ang katotohanan tungkol sa isyu.

April 2016 nang ibulgar ng senador ang tungkol sa umano’y ill-gotten wealth ni Duterte kung saan niya ito kinasuhan ng plunder sa Ombudsman.

Sen. Antonio Trillanes, maghahain ng resolusyon ngayong araw para imbestigahan ang umano’y tagong yaman ni P-Duterte

Maghahain ng resolusyon ngayong araw si Sen. Antonio Trillanes IV para paimbestigahan ang umano’y tagong-yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang pamilya.

Partikular na gustong maimbestigahan ni Trillanes ang bank document ng Pangulo at ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na P100 Milyon sa Bank of the Philippine Island (BPI).

Ayon sa Senador, may mga transaksyon ang mag-ama na aabot sa higit kalahating-milyong piso, na paglabag sa Anti-Money Laundering Act.

Matatandaang makailang ulit nang itinanggi ng mag-amang Duterte ang mga akusasyon ni Trillanes.

Source: RMN

Related Articles

Hamon ni Pangulong Duterte na imbestigahan ang umano’y ill-gotten wealth niya, pinatulan ni Sen. Trillanes
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email