Tuesday, February 20, 2018

Hindi nakakatawa ang joke ni Duterte – Hontiveros and Trillanes


Umalma ang mga senador buhat sa oposisyon sa pagbibiro ni Pangulong Duterte na gawin na lang probinsya ng China ang Pilipinas.

Mariing sinabi ni Senador Risa Hontiveros na hindi ginagawang biro ang kalayaan at kasarinlan ng bansa na ipinaglaban ng mga ninuno sa mga mananakop.

Ipinaalala na ipinaglaban din ng nagdaang administrasyon sa International Tribunal ang West Philippine Sea na pilit inaangkin ng China.


“Kahit pa sabihin ng President bukas na biro lang iyon, hindi biro ang sobereniya ng bansa natin. Para sabihing ‘okay, atin nga ang Benham Rise pero ang Pilipinas pwedeng maging probinsya ng China’ parang Hongkong at Taiwan… Diyos ko! Kung gaano katagal inilaban ng ating mga ninuno ang arkipelagong ito, bawat isla! ” ani Hontiveros.

“Hindi biro ang mga laban natin, lalong hindi biro ang mga panalo ng bansa kaya please huwag i-joke lamang,” dagdag ng senadora.

Pumalag din si Senador Antonio Trillanes IV dahil mas hinihikayat umano ng Pangulo ang China na pagsamantalahan ang bansa.

Dapat aniya itong tuligsain ng publiko.

“We need to call it out. Yung mga statement na ganyan, talagang mapagsasamantalahan yan ng China. Hindi appropriate na magbiro siya ng ganyan,” pahayag ni Trillanes.

Source: ABANTE

Related Articles

Hindi nakakatawa ang joke ni Duterte – Hontiveros and Trillanes
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email