Thursday, February 15, 2018

John Paul Napoles kinasuhan ng ‘frustrated murder’ sa bigong ambush


Pinakasuhan na ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar ng ‘frustrated murder’ ang isa sa mga suspek sa bigong ambush laban sa abogado sa EDSA nitong February 13, 2018.

Ayon kay Gen. Eleazar, kasong four counts of frustrated murder at paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms) ang isinampa kay QC Assistant Prosecutor Marvelous Madamba, laban kay John Paul Napoles na kasalukuyan pang naka-confined sa East Avenue Medical Center, habang tinutugis pa ang isa nitong kasamahan na nakatakas.

Si Napoles at isa pang kasamahan nito na nakatakas ay kasama ng napatay na pulis na si PO1 Mark Boquela Ayeras, na umanoy nagsilbing ‘hitman’ sa bigong pananambang sa abogadong si Atty. Argel Joseph Cabatbat

Tumanggi namang magsalita si Napoles nang puntahan ito sa ospital ng mga imbestigador na umanoy susi at makakapagsabi kung sino ang nasa likod ng naturang pananambang.

Kaugnay nito, kinilala naman ng mga imbestigador ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Supt Rodelio Marcelo ang tatlong kasama ng abogado sa sasakyan nang ambusin ito ng mga naturang suspek.

Ito ay sina Ardee Llaneras, Rodel Dela Cruz, at John Ramos, pawang nasa hustong gulang at taga- Nueva Ecija.

Magugunitang nitong February 13, 2018, dakong alas-12:30 ng hatinggabi, sakay ng kulay itim na Montero na may conduction sticker B1S951 sina Atty. Cabatbat at ang tatlong nabanggit na kasamahan nito nang ratratin ng mga nasabing suspek na sakay ng dalawang motorsiklo pagsapit sa north lane ng EDSA corner East Avenue, Quezon City.

“With the filing of appropriate charges against the suspects, as far as this case is concerned, this is already solved. Nananawagan tayo sa pangatlong suspek na tumakas at nagtatago ngayon na kung maaari ay sumuko na lang sa mga awtoridad upang harapin ang kaso na isinampa laban sa kanya. Mas makabubuti ito para sa kanya upang mabigyan siya ng pagkakataon sa korte na i-depensa ang sarili,” giit ni Eleazar.

Source: ABANTE

Related Articles

John Paul Napoles kinasuhan ng ‘frustrated murder’ sa bigong ambush
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email