Monday, February 19, 2018

Kinasuhan ng PCMC exec ng libel ang Ex-DOH consultant


Sinampahan ng kasong libel sa Quezon City Prosecutors Office ng mataas na opisyal ng Philippine Children’s Medical Center ang isang dating consultant ng Department of Health kaugnay sa Dengvaxia procurement scandal.

Ang kasong isinampa ni Dr. Julius Lecciones, executive director ng PCMC, ay nag-ugat sa pagsangkot sa kanya ni Dr. Francisco Cruz sa umano’y mafia-style syndicate sa DOH.

Sinabi ni Lecciones hindi niya personal na kakilala si Cruz ngunit ang alam niya ay dati itong consultant ng DOH.

Magugunita na nagsampa na ng mga kaso ang VACC laban sa ilang indibiduwal kasama na si dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa sinasabing maanomalyang pagbili ng higit P3 bilyong halaga ng Dengvaxia.

Iginiit din ni Lecciones na wala siyang planong makipag ayos kay Cruz dahil nais niyang bigyan ng hustisya ang paninira sa kanyang puri at dignidad.

Giit nito sa kanyang pagkakaalam ay nasa ayos ang pagbili ng naturang anti dengue vaccines bagamat aniya haharap siya sa anumang pag iimbestiga ukol sa isyu sa dengvaxia.

Source: ABANTE

Related Articles

Kinasuhan ng PCMC exec ng libel ang Ex-DOH consultant
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email