Wednesday, February 28, 2018

Kris Aquino, umalma at ipinamukha ang nagawa ng kanyang ina


Kris Aquino, umalma at ipinamukha ang nagawa ng kanyang ina 

LAST Feb. 25, ginanap ang paggunita sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Alam sa kasaysayan ng ating bansa na ang dating Pangulong Cory Aquino ang nagpasimula ng pagpapatalsik sa dating pangulo na tinaguriang ‘dikta­dor’ na si Ferdinand Marcos nu’ng taong 1986.

Dahil si Kris Aquino ang bun­song anak ni Tita Cory, hindi ma­isantabi ng TV host ang mga sa­lo­obin sa ilang bashers ng kan­yang ina.

Inalmahan ni Kris ang ani­ya’y pilit na pagbabago ng ka­say­sa­yan, partikular na sa mga nagawa ng kanyang yuma­ong ina para sa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram post nu’ng Lunes (Feb. 26), tinu­ligsa ng TV host-actress-social media influencer ang mga nagpa­pakalat ng “fake news” para pagtakpan ang naganap sa panahon ng dik­­­tadura sa ilalim ni da­ting Pangu­long Ferdinand Mar­­­­cos.

Pahayag ni Kris, “So much of our history is trying to be rewritten & erased by those paying their trolls & fake news purveyors to whitewash their culpability for the killings & suffering they inflicted on our country during the years before our democracy from the dictatorship in 1986.”

Dagdag pa niya, “I know our family is not perfect- but the woman standing beside me in this picture who is peacefully in heaven deserves her daughter to stand up for her legacy.”

Pagkatapos nito ay ipinali­wa­nag ni Kris ang lara­wan niya kasama ang yumaong ina, na kuha nang ma-feature ang dating pangulo sa ika-80 anibersaryo ng TIME Magazine noong 2006.

Ani Kris, “Cory Aquino is the only Filipino to hold the distinct honor of having been chosen as Woman of the Year in 1986.

“To quote TIME, ‘Whatever else happens in her rule, Aquino has already given her country a bright, and inviolate, memory.

“More important, she has also resuscitated its sense of identity and pride.”

Dagdag pa niya, “Paraphrasing portions of bus­tle.com — It is noteworthy that apart from my Mom, in the 91 Man, Woman, or Persons of the Year issues — Time has only awarded the title to an INDIVIDUAL woman 3 other times, Wallis Simpson in 1936, Queen Elizabeth II in 1952, and German Chancellor Angela Merkel in 2015.”

Dagdag pa niya, “YES — we live in a democracy, a large part of that is thanks to her.

“Kaya malaya kayong sabihin ang lahat ng pani­ni­­rang gusto n’yong ita­pon sa aming pagkatao.

“Pero hindi ako na­ging dugo at laman ng ba­baeng ito kung hindi ko siya ipagtatanggol at ipamu­mukha sa mga walang respeto sa sumakabilang buhay na.”

Idinetalye pa niya ang mga maling impormasyong ipi­nagkakalat tungkol sa kanyang ina, “Yung putik na pilit n’yong ginagamit para yurakan ang pagkatao niya ay kailanman hindi didikit dahil kasinungalingan ang pinanggagalingan.

“As my Mom taught me so well — a lie no matter how beautifully produced will remain just that — an embarrassing lie.

“But the TRUTH will stand strong through the test of history.”

Source: BULGAR

Related Articles

Kris Aquino, umalma at ipinamukha ang nagawa ng kanyang ina
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email