Friday, February 16, 2018

Lalaking gumagamit ng droga, pintay ang anak. Sugatan naman ang 2 niyang asawa at isa pang anak


Dahil sa pagsapi umano ng masasamang espiritu, pinagtataga ng isang ama ang kaniyang dalawang-taong-gulang na anak sa Antipolo, Rizal. Tinaga rin at nasugan ng lalaki ang dalawa niyang asawa at isa pang anak.

Sa ulat ni John Consulta sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, kinilala ang nadakip na suspek na si Acmad Dimala, 37-anyos, isang Muslim.



Natutulog daw ang dalawang asawa at dalawang anak ni Dimala nang gawin ang pananaga dakong 8:00 am sa loob ng kanilang bahay.

Nasawi ang isang anak ng suspek na nagtamo ng taga sa leeg. Habang naisugod naman at nagpapagaling sa ospital ang dalawa niya asawa na sina Norqueza at Josephine Dimala, at isa pang anak na tatlong- taong- gulang.


Ayon kay Police Superintendent Serafin Petalio II, hepe ng Antipolo Police, nailigtas ang buhay ng tatlo pang biktima dahil sa mabilis na responde ng mga pulis at naaresto ang suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang bolo, isang balisong at isang kitchen knife na ginamit ng suspek.

Nang tanungin Dimala kung bakit niya ginawa ang krimen, sinabi nito na sinasapian siya ng kung anu-anong espiritu.

"Sinasakal na kung anu-anong espiritu na pumupunta sa akin kaya naging madilim ang paningin ko sa kanila nang oras na 'yon," paliwanag niya.

"Kasi naisip ko rin lahat patayin ko para pati ako magpapakamatay sa oras na 'yon. Para mawala na paghihirap ko. Yun ang nasa isip ko," patuloy ng suspek.

Napag-alaman ng pulisya na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang suspek, na hindi naman niya itinanggi.

Nahaharap ang suspek sa kasong parricide at frustrated murder.

Source: GMA

Related Articles

Lalaking gumagamit ng droga, pintay ang anak. Sugatan naman ang 2 niyang asawa at isa pang anak
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email