Lapeña, Nagbabala na may panibagong sisibaking tiwali sa Custom


Nagbabala si Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña na may mangyayari muling sibakan sa BOC.

Ayon kay Lapeña, sa kabila ng paulit-ulit na babala ay may tiwali pa rin na tuloy ang ilegal na operasyon sa loob ng BOC.

Aniya, mismong siya ang nag-validate sa katiwalian ng mga empleyadong kaniyang sisibakin na hindi na muna niya pinangalanan.

Gayunman, aminado si Lapeña na tali ang kamay niya.

Mahirap kasi aniyang umabot sa kasuhan dahil takot humarap ang mga nagrereklamo at nagbibigay ng mga impormasyon.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment