Friday, February 2, 2018

Mga estudyante na panay ang sali sa rally, pinatatanggal sa listahan ng libreng matrikula


Nais ng Duterte Youth Movement na hindi mabenipisyuhan ng Free tuition program ng gobyerno ang ilang kabataan na nananawagan para ibagsak ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo.

Ayon kay Ronald Cardema ang Chairman ng Duterte Youth, dapat alisin sa listahan ang mga militanteng estudyate na hindi naman pumapasok sa klase sa halip ay panay ang pagsali sa mga rally na nananawagan na ibagsak ang gobyerno.

Dapat ay ipalit dito ang tunay na mga interesado na mag aral pero walang kakayahang pinansyal

Tugon ito ni Cardema sa ikinakasa ng mga youth leaders na sumusuporta kay CPP-NDF Chairman Joma Sison na kilos protesta sa buong buwan ng Pebrero.

Sinabi ni Cardema na 80 porsyento ng mga kabataan sa bansa ay sumusuporta sa pamahalaan ni Pangulong Duterte habang 5 porsiyento lamang ng mga studyante ang kontra sa administrasyo.

Related Articles

Mga estudyante na panay ang sali sa rally, pinatatanggal sa listahan ng libreng matrikula
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email