Thursday, February 8, 2018

Mga senador na tutol sa pederalismo, "wag iboto" – Alvarez


Inihayag ni Speaker Pantaleon Alvarez na aktibong ikakampanya ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na huwag iboto ang mga senador at iba pang kandidato sa May 2019 elections na kokontra sa pederalismo.

“I have one request, please don’t vote for candidates, particularly for senator, who are opposing federalism,” paghahayag ni Alvarez sa mass oath-taking ng 3,000 bagong miyembro ng PDP-Laban sa Datu Lipus Makapandong Cultural Center sa Agusan Del Sur kahapon.


Hinikayat ng pinuno ng Kamara ang mga mamamayan ng Agusan Del Sur na suportahan ang adbokasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng ruling party na mapalitan ang porma ng gobyerno patungo sa pagiging federal nang sa gayon ay mapalakas at mapaunlad ng husto ang potensyal ng bawat probinsya at mga rehiyon.

“Ganito kasi ‘yan, ‘yung partido PDP ang nag-iisang partido na merong advocacy ng federalism. So kami, kung ayaw mo ng federalism we really have to campaign against you. Kasi ayaw mo na umasenso ‘yung mga probinsya.

Because para sa amin itong federalism ang magbe-benefit nito talaga yung mga provinces, yung mga regions. Kaya kami gusto naming maaprubahan ito at maging parte ng ating Saligang Batas upang sa ganun ma-ensure natin na within the term of President Duterte ay iba na ang structure of government natin,” paliwanag ni Alvarez.


Hinamon ni Alvarez ang mga nag-aambisyon sa eleksyon sa 2019 na magkaroon na ng malinaw na posisyon patungkol sa usapin ng federalism.

“Hindi kagaya nung dati porke’t sikat, palaging nasa telebisyon, artista o kung sino man ‘yan…anak ng artista…na iboboto natin. Yung mga kampanya noon na pag lumabas sa telebisyon andun pa yung kung sino yung background na artista. Mali yun. Dapat issue-oriented tayo. So, ito yung issue, saan ka rito? Manindigan ka. Hindi na pupwede yung hindi mo alam kung saan ka, yung naglalaro-laro ka lang. Kung ano yung gustong pakinggan ng tao doon ka. Hindi ganun. Dapat kung maayos ka na pulitiko manindigan ka,” dagdag ni Alvarez.

Binanggit pa nito na kung ang isang kandidato ay tutol sa federalism malinaw na ayaw nitong isulong ang interes at umasenso ang mga probinsya at rehiyon.

“Kung ayaw mo rito bakit kita iboboto, ayaw mo na umasenso kami? It is as simple as that. If you want the provinces na magkaroon sila ng opportunities, na mabigyan sila ng karapatan to chart their own destiny then pabor ka sa federalism. Kung ayaw mo na mangyari yun, doon ka sa kabila,” ayon pa kay Alvarez.

Source: ABANTE

Related Articles

Mga senador na tutol sa pederalismo, "wag iboto" – Alvarez
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email