Mga sinibak sa DOJ dahil sa maanomalyang pagproseso ng Visa, pinangalanan na


Iniutos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagtanggal sa puwesto sa ilang kawani ng kagawaran dahil sa pagkakasangkot umano sa anomalya sa pagproseso ng mga visa sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Aguirre, papangalanan niya ang mga nasabing kawani ng DOJ sa kanyang ilalabas na Immigration Lookout Bulletin Orders (ILBO) laban sa nasabing mga indibiduwal.


Kaugnay nito, inatasan din ng kalihim ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up laban sa naturang mga tauhan ng DOJ.
Nagbanta rin ang kalihim na magpapatuloy ang kanyang paglilinis sa mga tiwaling empleyado sa kanyang bakuran.

Pinangalanan na ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang tatlong tauhan na sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa pagproseso ng mga visa sa Bureau of Immigration.

Kinilala ang naturang DOJ employees na sina Cyruz Morata, Abvic Ryan Maghirang, at Shigred Erigbuagas.

Isinailalim na rin sa Immigration Lookout Bulletin Order ang naturang mga nasibak na empleyado.

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, at bribery.

Una na ring inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa naturang mga dating tauhan ng DOJ.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment