Sunday, February 18, 2018

Milyu-milyong pisong halaga ng proyekto, dahilan ng pagkakasibak ni dating SSS Commissioner La Viña


Nilinaw ng Malacañan ang dahilan ng pagkakasibak kay dating Social Security System (SSS) Commissioner Jose Gabriel La Viña.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, humiling ng 26 na milyong pisong pondo si La Viña para sa kanyang show sa social media at 1.6 million pesos para sa isang media advertising program pero hindi ito pinayagan.

Bigo namang tumalima sa requirements ang ni-request ni La Viña na accreditation ng pitong brokers para hawakan ang investments ng SSS.

Babala ng palasyo sa mga iba pang opisyal ng gobyerno, mahigpit ang administrasyon laban sa korapsyon.

Source: RMN

Related Articles

Milyu-milyong pisong halaga ng proyekto, dahilan ng pagkakasibak ni dating SSS Commissioner La Viña
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email