Sunday, February 18, 2018

Miyembro ng ISIS, naaresto ng pulisya at militar sa Maynila


Naaresto ng tropa ng pulisya at miltar ang isang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS terrorist group sa kanilang isinagawang operasyon sa Ermita Maynila nitong weekend.

Kinilala itong si Fehmi Lassoued alyas John Rasheed Lassoned isang Egyptian na naaresto sa kanyang tinutuluyang aparment nang magsagawa ng search operation ng Regional Police Intelligence Operations Unit nang magisyu ng search warrant ang Regional Trial Court Branch 139 ng Makati City.



Mismong inamin ni PNP Chief Police Director General Ronald dela Rosa na miyembro ng ISIS terrorist group ang naarestong suspek.

Sa katunayan aniya nagtangka pa itong magsagawa ng serye ng pagpapasabog dito sa bansa.

Nakuha sa suspek ang iba’t -ibang baril, bala,mga components sa paggawa ng improvised explosive device.

Patuloy na isinasailalim sa interogasyon ang suspek, upang matukoy ang mga ka-transaksyon nito sa bansa partikular kung may nagpapatuloy na ring recruitment sa Luzon lalo’t naaresto ito sa Metro Manila.

Maliban kay Lassoued nadakip rin ang girlfriend nito na si Anabel Moncera 32-anyos tubong Upi Maguindanao.

Source: RMN

Related Articles

Miyembro ng ISIS, naaresto ng pulisya at militar sa Maynila
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email