Nasa 800 OFWs mula Kuwait, nakatakdang umuwi ng Pilipinas ngayong Pebrero


Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Sarah Lou Arriola na nasa 800 ang inisyal na bilang ng mga OFW sa Kuwait na karamihan ay mga domestic helper ang nakatakdang umuwi sa Pilipinas ngayong taon.

Sa Pebrero 12, Lunes nasa 150 na OFW at sa Pebrero 13, Martes, nasa 250 na OFW ang inaasahang darating sa bansa tulong ng gobyerno.


Kagabi, sa pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamahayag, inatasan niya si Labor Secretary Silvestre Bello III na gawan ng paraan para makauwi sa Pilipinas ang lahat ng mga OFW na nasa Kuwait. Hindi na raw usapin kung may pera man o wala, basta ang gusto niya ay makauwi ang mga ito sa loob ng 72 oras.

Ayon sa kay Duterte, kakausapin niya ang Philippine Airlines at Cebu Pacific para maging transportasyon ng mga OFW na gusto nang umuwi sa Pilipinas.

“So everyone who wants to come home, I said to Secretary Bello, those who want to be repatriated, with or without money, I will ask PAL and Cebu Pacific to provide the transportation. I want them out of the country those who want to go out in 72 hours,” sabi ni Pres. Duterte.

Dagdag pa ni Duterte, ang bawat oras sa buhay ng mga Pilipino sa labas ng bansa ay mahalaga lalo na yung mga nakakaranas o biktima ng pang-aabuso mula sa kanilang mga amo.

“We will count our lives by the hours because apparently, every hour, there is a suffering and agony, brutality committed by Filipinos,” sabi ni Duterte.

Matatandaang noong Enero 19, 2018, ipinag-uto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng pagproseso ng mga bagong overseas employment certificates para sa mga nais magtrabahosa Kuwait. Ito’y habang gumugulong ang imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong OFW doon.

Source: News5
Previous
Next Post »
0 Comment