Pag-ayaw ni Pangulong Duterte sa condom, pinalagan ni RisaHontiveros


Umalma si Senator Risa Hontiveros sa paghikayat ni Pangulong Duterte na itigil ang paggamit ng condom.

Sa harap ng mga umuwing overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Kuwait kahapon, sinabi ng Pangulo na pills o ibang contraceptives ang gamitin para maagapan ang paglobo ng pamilya sa halip na gumamit ng condom na aniya ay hindi masarapgamitin.


Giit ni Hontiveros, chairman ng senate committee on women, children and family relations, tigilan ng pangulo ang ganitong pahayag na hindi pinag-isipan, bara-bara at iresponsable dahil nakataya rito ang public health.

Lumilitaw lang aniya na panay sarap lagi ang hanap ng pangulo.

Ipinapaalala ng senadora na ang condom ang subok na ligtas at maasahan na pang-agap sa paglaganap ng suxually transmitted disease gaya ng hiv at pang-agap din sa maagang pagbubuntis.

Ang pagkontra rito ng pangulo ay pagkakait umano sa publiko ng pagpipilian para makapagplano ng pamilya at makaiwas sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.

“The Pres seems to be overly concerned w/ pleasure. Nothing pleasurable about the rising number of HIV & teen pregnancy cases. By disapproving of condoms, he’s denying us the widest array of options to plan our families & prevent & protect ourselves from STDs & teen pregnancies,” sabi ni Hontiveros.


Batay aniya sa ulat ng United Nations, sa mga bansa sa Asia - Pacific, dito sa Pilipinas pinakamabilis dumami ang may HIV - AIDS gayundin pagdami ng mga teenager na nagbubuntis.

Sa pagkontra rin ng pangulo sa paggamit ng condom, nakita ang gusto ng pangulo na ang mga babae ang umako ng responsibilidad na magplano ng pamilya.

Salungat daw ito sa layunin ng reproductive health law na nagsusulong na maging patas ang responsibilidad ng babae at lalaki sa pagpaplano ng pamilya.

“The President’s disapproval of condom use is also a virtual insistence that women should continue to carry the burden of family planning alone. This is unacceptable. Men must also do their share and be at par with women in sharing our family planning responsibilities,” dagdag ni Hontiveros.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment