Pagiging diktador ni Pangulong Duterte, walang naidulot na mabuti sa bansa -Trillanes at Aquino


Umani ng batikos mula kina opposition Senators Antonio Trillanes IV at Bam Aquino ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sya ay isang diktador.

Ayon kay Trillanes, walang naidulot na maganda sa bansa ang dalawang taong dictatorial style ni Pangulong Duterte.

Giit ni Trillanes, ginulo lang ni Pangulong Duterte ang Pilipinas, pinatay umano ang mga mahihirap, pinahirap ang buhay ng mga Pilipino at giniba ang mga democratic institutions.



Diin naman ni Senator Aquino, hindi kailangan ng Pilipino ang isang diktador dahil ang nararapat ay isang pinunong may kakayahan at tunay na malasakit sa buong bayan, lalo na para sa mahihirap nating kababayan.

Pinaalala pa ni Aquino na lumaban ang bayan noong People Power dahil hindi diktadurya ang makapagbibigay ng sapat na kita para sa bilihin, dekalidad na edukasyon, at kaligtasan ng pamilya na inaasam-asam ng mga Pilipino.

Katwiran pa ni Aquino, diktadurya ang nagdulot ng karahasan at pagpatay, kawalan ng trabaho at kalayaan, korupsyon at napakalaking pagkakautang.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment