Sunday, February 11, 2018

Pagmumura ni Pangulong Duterte di saklaw ng MTRCB


Isyu sa mga kritiko ni President Rodrigo Duterte ang pagmumura nito na madalas na napapanood sa mga live telecast ng kanyang mga speech dahil para sa kanila, hindi magandang ehemplo ang Pangulo sa mga kabataan.

Ang concern ng mga kritiko ni President Rodrigo Duterte ang itinanong namin kay MTRCB Chair Rachel Arenas dahil may mga tao na nagsasabi na pinalalampas ng tanggapan niya ang pagmumura ng pangulo na napapanood sa TV at napapakinggan sa radyo.


“Inaano (bini-bleep) na nila,” ang sagot ni Arenas na ipinaliwanag na hindi saklaw ng MTRCB ang mga news program.

“‘Yung news kasi, e­xempted dahil live kasi. In fairness, hindi kami nakakatanggap ng complaints about him.

“Parang ang tao ngayon, lalo na sa mga probinsya, ‘yung mga salitang ganoon, hindi naman na-appreciate nila. Parang nakikita nila na ganoon talaga ang normal na tao.

“Na kahit papaano, nakakapagsalita ka ng…it’s an expression but so far, wala kaming natatanggap na reklamo. Wala…” ang sabi ni Arenas.

Nang tanungin namin ang kanyang nararamdaman sa tuwing napapanood niya na nagmumura si President Duterte sa mga talumpati nito, sumagot si Arenas na:

“Ako kasi, sanay ako. I’ve watched him in the campaign. I used to frequent Davao. Lagi akong imbitado sa mga liga ng barangay and usually sa Davao, he speaks as the guest of honor.


“Actually, I think not because of the words that he use but I think, that’s why he had a landslide victory because the people saw in him a different leader. Hindi ‘yung pretentious na I will help and be ganyan and I will be good and then I will change the system.

“He was just really taong-tao. Totoo lang siya pero siyempre, hindi mo mapi-please lahat. Meron­ at meron na masasabi talaga.

“Kahit nga sa trabaho namin, kahit na ano ‘yung gawin mo, may nagrereklamo pa rin. Ma-delay nga lang ‘yung release namin ng MTRCB deputy cards, may nasasabi na.

“If you would ask me how I see him as a private citizen or as a mayor before and now, as president, walang nagbago. He’s a kind person. Actually,­ ibang-iba siya sa TV.

“Kapag kausap ko siya in person, he’s very kind and he’s funny.”

Source: ABANTE

Related Articles

Pagmumura ni Pangulong Duterte di saklaw ng MTRCB
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email