Pangulong Duterte, balak armasan ang mga kadete ng Reserve Officers Training Corps


Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magbigay ng kautusan para makagamit ng high powered firearms ang mga sumailalim sa Reserve Officer Training Corps o ROTC at military training.

Ito ay kung lalala ang sitwasyon sa aspeto ng terorismo sa Mindanao.

Sa kaniyang talumpati sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOr sa Buhangin Davao City, sinabi ng pangulo na bagaman nagapi man ang terosismo sa Marawi City ay batid ng pamahalaan ang pagre-regroup ng iba’t-ibang grupo.

Maging ang sibilyan aniya ay pwede na ding gumamit ng mga armas.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment