Pangulong Duterte, humiling sa BIR na i-audit ang Globe Telecom at Smart Communications


Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Internal Revenue na magsagawa ng audit sa dalawang higanteng telecommunication companies: ang Globe Telecom at Smart Communications.

Ito ay kasunod na rin ng mga reklamong natatangap ng mga ito mula sa kanilang mga subscribers at bigong pagandahin ang kanilang serbisyo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang ipapasok na bagong telecom player ang siyang tatapos sa ‘duopoly’ ng dalawang kumpanya.

Nais aniyang alamin ng Pangulo kung sumusunod sa tax regulations ang Globe at Smart.

Bago ito, inatasan na ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na aprubahan ang lahat ng applications at lisensya na kinakailangan para makapag-operate ang bagong telecom player.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment