Sara Duterte kay Alvarez: ‘Kapal ng mukha mo’



Idinaan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa social media ang pagbira kay Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa pagtawag sa kanya bilang oposisyon at pagsasabi na may kapangyarihan siya na ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbabala rin ang presidential daughter na maglalabas pa ng rebelasyon tungkol kay Alvarez sa Biyernes.

“Ano sabi mo in a crowd, ‘President iba siya, Speaker ako, I can always impeach him!’ And you call me opposition? Somebody should really tell the President about the truth,” ani Sara sa Instagram.

“Kung asshole ka sa Congress, don’t bring that to Davao, leave it in Manila. Somebody should tell the President what you are doing. How dare you call me part of the opposition. Kapal ng mukha mo. You messed with the wrong girl,” sabi pa nito sa sumunod na post.

Pinabulaanan naman ni Alvarez na nagsabi siya ng mga ganung komento na kaya niyang ipa-impeach ang Pangulo dahil Speaker siya.

“I never said those things and I will never say those things,” ani Alvarez sa GMA News.

“I supported the President and will always support him,” dagdag pa niya.

- Abante News Online
Previous
Next Post »
0 Comment