Thursday, February 1, 2018

Sotto binara ni Acosta sa imbestigasyon sa Dengvaxia victims


Iginiit kahapon ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty.Persida Rueda- Acosta na kasama sa mga mandato ng PAO, alinsunod sa Republic Act 9406, ang ginagawa nilang pag-iimbestiga at pag-a-awtopsiya sa mga bangkay ng mga batang namatay matapos umanong mabakunahan ng Dengvaxia, na gawa ng French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur.

Ang pahayag ay ginawa ni Acosta matapos kuwestiyunin ni Senator Vicente Sotto III ang ginagawa ng PAO at sinabing dapat ang Department of Health (DOH) ang manguna sa paghukay ng mga bangkay at forensic examination ng mga batang namatay dahil sa Dengvaxia, dahil hindi naman medical group ang PAO.


Ayon kay Acosta nagpaliwanag na siya kay Sotto at ipinaalala pa sa senador na kasama siya sa author ng naturang PAO Law, na nagsasaad na maaari itong magbigay ng ‘serbisyo’ kung hihilingin sa kanila.

“Ipinaliwanag ko, Senator Sotto, author ka ng PAO Law. Nandoon, we can be called upon by government authorities to render services — hindi naman sinabing i-counsel lang namin,” paliwanag ni Acosta.

Sinabi pa ni Acosta ,taong 2004 pa ay binigyan na ang PAO ng pondo na pambayad sa mga forensic experts, kung hindi maaaring magsagawa nito ang ibang mga ahensiya ng gobyerno.

Ipinagmalaki pa ng PAO chief na ang kanilang mga pathologists ay konektado sa malalaking pagamutan, habang si Dr. Erwin Erfe, na forensic laboratory director ng ahensya, ay isang kilalang medico-legal expert.

Ayon pa kay Acosta hindi rin maaaring mag-imbestiga basta ang DOH sa kaso dahil isa sila sa inirereklamo at iba pang opisyal nito ay may kaugnayan sa Dengvaxia-maker na Sanofi Pasteur.

“Sinong inirereklamo? DOH e, sila ang nagbakuna. Bakit hindi raw UP-PGH, e ika ko, hindi naman basta-basta nag-o-autopsy iyung mga sinasabing experts ng UP at iyung iba roon ay confirmed na consultant ng Sanofi,” ani pa ni Acosta.

Matatandaan na sinabi ng PAO na may nakikita silang pattern sa pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Sinabi nin Erfe, lumalabas sa resulta ng kanilang pagsusuri na ang mga bata ay pawang nagtamo ng ng internal bleeding, paglaki ng internal organs, at nasawi sa loob ng anim na buwan matapos matanggap ang nasabing bakuna.

Idinagdag pa ni Erfe na ang ‘rapid progression’ ng sakit gaya ng kaso ng isang 11-anyos na bata na nasawi sa loob ng 24 oras noong Disyembre matapos makitaan ng mga unang sintomas ng dengue.

Sa kasalukuyan nasa pitong bata na ang nasusuri ng PAO batay na din sa kahilingan ng magulang ng mga ito.

Binigyan-diin ni Acosta, na isasailalim pa ang mga bata sa confirmatory tests upang mapagtibay ang kanilang findings.

Source: ABANTE

Related Articles

Sotto binara ni Acosta sa imbestigasyon sa Dengvaxia victims
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email