VP Leni Robredo, hindi mawawalan ng papel sa Federal Form of Government


Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi mawawalan ng papel na gagampanan ang Office of the Vice President sakaling matuloy ang Federal Form of Government.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi puwedeng mabalewala si Vice President Leni Robredo dahil inihalal parin ito ng Taumbayan.

Sinabi din ni Andanar na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinangako nito na handa siyang bumaba sa puwesto kahit bago pa matapos ang kanyang termino kapag pumasa ang Pederalismo.

Kinumpirma din ni Andanar na base sa pagkakaalam niyang timeline, kailangang makapagbalangkas ang Consultative committee on Charter Change para makapag sumite na ito sa Kongreso bago pagbotohan at kung kakayanin ay isasabay ang plebisito sa elections 2019.

Muli ding tiniyak ni Andanar na tuloy ang halalan sa susunod na taon.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment