Monday, February 19, 2018

Walang humarang sa warrant of arrest kay De Lima – Muntinlupa RTC Judges


Itinanggi ng mga huwes ng Muntinlupa Regional Trial Court at opisyal ng Korte Suprema na may utos si Chief Justice Maria Lourdes Sereno para huwag magpalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Leila de Lima noong makasuhan ito kaugnay ng pagkakasangkot sa iligal na droga.

Sa impeachment hearing ng House justice committee, sinabi nina Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Patria Manalastas-de Leon at Branch 205 Judge Amelia Fabros-Corpuz na walang tumawag sa kanila para sabihin na huwag mag-isyu ng warrant of arrest.


“Not true.” ani Corpuz.

“I have not received any instruction to that effect, either directly or indirectly,” sabi ni de Leon.

Pinabulaanan rin ni Supreme Court Deputy Administrator Jenny Aldecoa-Delorino na inatasan siya ni Sereno na tawagan ang mga hukom na may hawak sa kaso ni de Lima para pigilin ang pagpapa-aresto sa senador.

“Personally, I did not receive any instruction from the Chief Justice to call any of the judges handling the case,” ayon kay Delorino.

Ipinaliwanag nito na tumatawag siya sa trial court judges na humahawak ng mga kontrobersyal o high-profile na kaso para alamin kung kailangan ng mga ito ng dagdag na staff o security at para ipaalala ang guidelines sa media coverage.

Base sa alegasyon ni Gadon sa impeachment complaint, pinigilan umano ng punong mahistrado ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay de Lima.

Nang tanungin ng mga kongresista si Gadon sa basehan ng kanyang paratang, sinabi nitong sinabi lamang sa kanya ng mga taga-Korte Suprema.

“I heard it from the employees of the Supreme Court that one of the Deputy Court Administrators was asked to call [Muntinlupa judges],” sagot ni Gadon.

Abante News Online

Related Articles

Walang humarang sa warrant of arrest kay De Lima – Muntinlupa RTC Judges
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email