Thursday, March 22, 2018

Bong Revilla humirit ng provisional liberty sa Supreme Court


Hiniling ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla sa Korte Suprema na siya ay mabigyan ng pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kasong plunder laban sa kanya sa Sandiganbayan.

Ito ay sa pamamagitan ng urgent motion na inihain ni Revilla sa Kataas taasang Hukuman sa tulong ng kanyang mga abugado kung saan hiniling niya na pagkalooban siya ng provisional liberty hanggang sa madesisyunan ang kanyang main petition sa Korte Suprema.


Ang kasong plunder laban kay Revilla ay may kinalaman pa rin sa umano’y pagkakasangkot niya sa pork barrel scam dahil sa hinala na bahagi ng kanyang pork barrel allocation ay napunta sa mga pekeng non-government organization na pag-aari ni Janet Lim Napoles.

Sa kanyang mosyon, muli ring hiniling ni Revilla na pigilan ng Korte Suprema ang pag-usad ng paglilitis sa Sandiganbayan sa kanyang kaso sa pamamagitan ng pagpapalabas ng writ of preliminary injunction o restraining order.

Nagpahayag din ang dating mambabatas ng pagkabahala na magahol o maubusan na siya ng panahon para makapagprisinta ng ebidensya para madepensahan ang sarili.

Mula raw kasi sa mahigit limang libong piraso ng mga ebidensya na tinanggap ng Sandiganbayan mula sa prosekusyon, hindi naman malinaw na tinukoy kung ano sa mga inihaing ebidensya ang makagpapatunay ng elemento ng plunder.

Kaugnay nito, hinihimok ni Revilla ang Korte Suprema na magtakda ng oral arguments sa kanyang petisyon.

Si Revilla ay mahigit tatlong taon nang nakakulong magmula noong Hunyo 2014 dahil sa kasong plunder.

Source: ABANTE

Related Articles

Bong Revilla humirit ng provisional liberty sa Supreme Court
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email