Dating VP Jejomar Binay at anak nito na si Junjun Binay , kinasuhan sa Sandiganbayan



Isinampa na sa Sandiganbayan ang mga kasong katiwalian at falsification of public document laban kina dating Vice President Jejomar Binay at sinibak na Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. kaugnay sa maanomalyang P1.3-billion school building project.

Nahaharap ang mga Binay ng apat na bilang ng kasong graft at tatlong bilang ng kasong falsification of public documents dahil sa pakikipag-sabwatan umano sa ibang opisyal ng Makati City sa pagtatayo ng Makati Science High School noong 2007.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, naibigay sng kontrata sa Hillmarc’s Construction Corporation sa kabila ng mga iregularidad gaya ng pag-aanunsiyo ng pekeng “invitation to bid” sa mga dyaryo.

Nadidkubre rin ng Ombudsman na walang naipatayong four-story dormitory kahit sakop ito ng kontrata.

Una nang sinabi ni Joey Salgado, spokesperson para sa mga Binay, tiwala sila na malilinis ang kanilang pangalan sa patas na paglilitis.

Abante News Online
Previous
Next Post »
0 Comment