Monday, March 19, 2018

DOJ, naglabas ng subpoena laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino


Pinatatawag ng Department of Justice (DOJ) si dating Pangulong Noynoy Aquino at dalawang dating miyembro nito ng gabinete.

Ito ay para sagutin ang mga isinampang reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kaugnay ng pagkamatay ng ilang bata dahil diumano sa Dengvaxia.

Naglabas ng subpoena ang prosecutors kay Aquino para ito ay dumalo sa imbestigasyon sa Biyernes, March 23, ganap na alas-10:00 ng umaga.

Pinadadalo rin sina dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Florencio Abad.

Inaatasan ang tatlo na magsumite ng kanilang kontra-salaysay para pasinungalingan ang mga kasong multiple homicide and physical injuries at malversation of public funds.

Bukod sa tatlo, sakop din ng subpoena ang mga opisyal ng Zuellig Pharma at Sanofi Pasteur.

Source: RMN

Related Articles

DOJ, naglabas ng subpoena laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email