Wednesday, March 14, 2018

Duterte guilty kaya takot sa ICC – Trillanes


Palibhasa guilty!

Ito ang konklusyon ni Senador Antonio Trillanes IV sa pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pakalasin ang Pilipinas sa international treaty na Rome Statue na lumikha sa International Criminal Court (ICC).

“Now, Duterte, by withdrawing from the ICC, has practically admitted that he is guilty of the allegations filed against him,” ani Trillanes.


Sina Trillanes, Magdalo Representative Gary Alejano at kaibigan nilang si Atty. Jude Sabio ang nagsampa ng mga reklamo sa ICC laban sa pangulo.

Ayon sa senador, kahit kumalas doon ang Pilipinas,maitutuloy pa rin ang imbestigasyon ng ICC dahil isang taon pa bago maging epektibo ang pagkalas dito ng isang bansa.

Kinantiyawan naman si Duterte dahil nagsabi aniya noon na handa itong harapin ang asunto sa ICC at handa pang magpakulong.

“First, he said that he is willing to be jailed for what he has done. Then, he said that the ICC has no jurisdiction and that he has not committed any crime against humanity,” ani Trillanes.

“Mr. Duterte, magpakalalaki ka at harapin mo ang mga akusasyon laban sa’yo. 20,000 na Filipino na ang pinapatay mo. Maliwanag yan at nasaksihan yan ng buong bansa. Malapit na ang araw ng paniningil,” dagdag nito.

Source: ABANTE

Related Articles

Duterte guilty kaya takot sa ICC – Trillanes
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email