Ex-VP Noli de Castro kinuyog sa ‘insensitive comment’ sa UP fire



Binakbakan ng mga netizens si dating Bise Presidente Noli “Kabayan” de Castro kasunod ng kanyang insensitibong komento kaugnay ng pagkasunog ng Shopping Center sa loob ng University of the Philippines (UP) campus noong Huwebes.

Ayon sa Twitter user na si Jan Deo Mendoza, hindi nito nagustuhan ang pagtawag ni de Castro na “xerox-an” lang naman umano ang nasunog na Shopping Center sa UP.

Sabi ni Mendoza, masyadong umanong insensitibo ng pahayag na iyon ng dating Bise Presidente, bagay na hindi aniya katanggap-tanggap lalo na sa UP community.

“Pinahahapyawan lang ni Noli de Castro ang UP Shopping dahil pa-xeron-an lang naman daw yun na hindi naman daw yun yung Ayala Mall sa labas,” sabi ni Mendoza.

Hindi umano maiintindihan ni de Castro kung gaano kahalaga sa mga taga-UP ang Shopping Center dahil hindi aniya siya produkto ng unibersidad.

“Kaya p#t54@I%na mo de Castro sa pagiging insensitive mo. Ang SC ang isang enabler ng Honor and Excellence ng karmaihan ng mga produkto ng UP. Something na hindi maiintindihan dahil wala ka ng dalawang yun,” himutok pa ni Mendoza.

Ayon pa kay Mendoza, hindi na bago ang pagiging insensitibo ni de Casro dahil noon pa man aniya ay masama na bukas ng bibig nito tulad ng pagtawag nito ng tamad sa mgaa mahihirap at ang anti-LGBT remarks niya kay Bataan Rep. Geraldine Roman.

Narito pa ang ilang banat ng netizens kay de Castro:

@John Villarza, “Noli de Castro, gago!

@tjdang, “The heigh of insensitivity to the pain ang loss of the victims. So unethical, callous, heartless, unsympathetic, cold-blodded. Sanction him!”

@mj257, “Tragedy is tragedy, Ayala Mall ka man o UP SC. Dapat I-report si Noli sa ABS-CBN sa insensitive opinion”

@iamPinaypie, “Tanginang Noli de Castro. Sama tuluyan ka sa corruption mo sa Pag-Ibig”

@tropatropagoals, “Tangene ni Noli de Castro! Kahit nao pa yan e kabuhayan ng tao yun, pasalamat siya marami siyang ninakaw noong politician pa siyang pulpol at di nakasuhan..”

@MoxieLi, “What’s new??? Wala naman talagang alam si Noli kundi dumakdak at magbasa”.

Abante News Online
Previous
Next Post »
0 Comment