Hontiveros - Napoles gagamitin sa mga kumakalaban kay Duterte


Posible umanong gamitin ng administrasyong Duterte si Janet Lim Napoles para gipitin ang oposisyon at upang takutin ang mga kapanalig para hindi bumalimbing.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, hindi na ito nakakagulat dahil nagawa na sa mga convicted at self-confessed drug lord na ginamit na testigo laban sa mga taga-oposisyon gaya ni Senadora Leila De Lima.

“I would not be surprised if Napoles would also be used as a political weapon to further harass the other members of the political opposition and create a chilling effect,” ayon kay Hontiveros.

Puwede rin umanong pagbantaan na idadamay sa pork barrel scam ang mga taga-administrasyon na kokontra sa gusto ng Pangulo.

“Napoles could also be used a means to enforce loyalty within the Duterte camp. All those who would have strong opinions against the government’s policies and the President himself could easily be included in Napoles’ pork barrel list,”dagdag nito.

Dahil dito, mariin niyang kinondena ang trato ng administrasyon kay Napoles.

“The Duterte government’s decision to turn porkb arrel scam mastermind Janet Napoles into a state witness is a travesty of justice,” diin nito.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment