Saturday, March 31, 2018

Lorenzana sa mga NPA: Wala naman kayong maipakitang magandang nagawa


Sa paggunita ng ika-49th anibersaryo ng New People’s Army (NPA) nitong Huwebes, saad ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana na ito’y walang kabuluhan at nagdudulot lamang ng pasakit at pahirap sa seguridad, kapayapaan at pag-unlad ng bansa.

“On March 29, the communist terrorists New People’s Army (NPA) will mark their 49th year of futile, delusional and vicious existence that is a bane to our country’s peace, security and national development,” saad ni Lorenzana.

Dagdag pa niya wala namang magandang naitulong ang mga NPA kundi maghasaik lang ng lagim.

“Ang dapat nating itanong sa mga NPA ay ano nga ba ang ipinagdiriwang ninyo tuwing anibersaryo nyo? Wala naman kayong maipakitang magandang nagawa, bagkus wala kayong ginawa kundi pumatay, mangotong sa mga negosyante, at manunog ng mga ariarian ng mga ayaw magbayad sa inyo,” ani niya.

“Kayo ang dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad. Kayo ang tinutukoy ni President Duterte na pabigat kung kaya di tayo makaangat,” dagdag pa niya.

Pinaaalahanan rin ni Lorenzana ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa maaaring gawin ng mga rebeldeng NPA.

“As with previous years, the rebels are again expected to show off their so-called “force” by carrying out a string of celebratory attacks, atrocities and criminal acts to hide their dwindling number and degraded strength.”

Hinikayat rin niya an mga NPA na magbalik-loob sa pamahalaan.

“I am calling on all CPP-NPA members to lay down your arms and re-join society. Panahon na para kayo ay magbalik-loob sa lipunan. Talikuran ang karahasan at ang mapanlinlang na ideyolohiya na inyong ipinaglalaban,” saad ni Lorenzana.

“Alalahanin ninyo ang higit na kapakanan ng inyong mga pamilya, at ng sambayanan,” dagdag ni Lorenzana.

Source: ABS-CBN

Related Articles

Lorenzana sa mga NPA: Wala naman kayong maipakitang magandang nagawa
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email