Thursday, March 29, 2018

Makukulong si Trillanes



Posibleng muling magbalik sa kulungan si Senador Antonio Trillanes IV dahil sa mga ginawa umano nitong ‘privilege speech’ sa Senado, sa mga media interview, sa speech nito sa UP Diliman; at ang paglulunsad ng signature campaign laban sa Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nag-uudyok umano ng sedisyon at rebelyon.

Ito ang panalangin ni Atty. Manuel Luna, isa sa mga naghain ng kaso laban kay Trillanes. Kasama sa complainant sina DOLE Usec. Jacinto ‘Jing’ Paras, Atty. Eligio Mallari, at Atty. Nasser Marohomsalic.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Luna na sinampahan nila si Trillanes ng kasong sedition, inciting to rebellion o pagbuo ng isang scenario upang maghimagsik ang militar at mga tao para mag­lunsad ng isang kudeta ang nabanggit na senador.

Ayon naman kay Usec. Paras, isang criminal act ang ginawa ni Trillanes dahil binubulag nito sa kasinungali­ngan ang mga sundalo at sambayanan para magalit at magrebelde laban sa Pangulo.

Aniya, sa privilege speech ni Trillanes sa Senado noong Oktubre ng nakaraang taon, binanggit nito na kung makikita ng mga sundalo ang perang kinulimbat ni Pangulong Duterte, baka gamitin pa nila ang M-60 machine gun para tadtarin ng bala ang comman­der-in-chief.

“Mauubos ‘yung magasin, kung P40 million ‘yung hinahanap mo,” ayon sa privilege speech umano ng senador.

Bukod sa privilege speech sa Senado, may hawak din umanong ebidensiya ang mga nagreklamong abogado gaya ng mga media interviews ni Trillanes na naglabasan sa mga radio, TV, print newspapers at Youtube; speech nito sa UP Diliman; at ang paglulunsad ng signature campaign laban sa Pangulo.

“In the case of Trillanes pending before the Metropolitan trial court of branch 45 of Pasay City the next incident would be the court will determine whether there is probable cause to issue a warrant for his arrest. So if the court determine that there is probable cause it will issue a warrant of arrest,” pahayag ni Atty. Luna.

Umaasa ang mga nagreklamong mga abogado na maglalabas na ang korte ng warrant of arrest laban kay Trillanes.

Abante Tonite
https://tonite.abante.com.ph/makulong-si-trillanes.htm

Related Articles

Makukulong si Trillanes
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email