Mar Roxas nakinabang sa May 2016 election fraud – Binay


Tinukoy ni Senator Nancy Binay si dating Secretary Mar Roxas na umano’y nakinabang sa mga iregularidad sa nagdaang 2016 Presidential elections.

Sabi ni Binay, ito ay base sa mga dokumento na ipinakita sa kanya ng grupo ng computer experts na nagsabi na mayroong umanong dayaang naganap sa nagdaang halalan.

Nakinabang umano si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa sinasabing iregularidad sa eleksiyon noong Mayo 2016.

Ito ang ibinunyag ni Senadora Nancy Binay batay sa ibinigay sa kanyang datos ng isang grupo ng automated election experts at mula sa Commission on Elections.

Sa news forum sa Senado, idiniin naman ni Binay na hindi niya pinagbibintangan si Roxas at tanggap ng kaniyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay ang pagkatalo noong eleksiyon pero nakapagtataka aniya kung bakit napakababa ng nakuhang boto at may mga presinto na hindi nakakuha ng kahit isang boto.

Si Roxas ay pumwesto pangalawa sa mga natalong kandidato sa pagka-pangulo noong 2016 na kalaban ng ama ng senadora na si dating Vice President Jejomar Binay.

Sabi ni Senator Binay, sa mga dokumentong ipinakita sa kanya ay lumalabas na mayroong napaboran at tumaas ang boto habang nakakapagtaka na ang kanyang ama ay zero ang botong nakuha sa ilang presinto.

Ipinunto naman niya na kasapi si Roxas ng ruling coalition noon na sa tingin niya ay mayroong kakayanan na mandaya.

Ayon kay Binay, hinayaan na lang niya ang nasabing grupo ng mga computer experts dahil hindi naman siya techie o may sapat na kaalaman sa teknolohiya at hindi rin niya alam kung paano madetermina kung mapagkakatiwalaan ang bitbit na dokumento ng mga ito.

Naungkat ang isyu dahil sa alegasyon ni Senate majority leader Tito Sotto na iregularidad dahil sa natunton na maagang transmission ng boto bago pa man ang aktuwal na araw at oras ng botohan noong Mayo 9, 2016.

Sabi ni Binay, layunin ng grupo na mapigilang maulit muli ang dayaan sa darating na 2019 elections.
Previous
Next Post »
0 Comment