May epidemya ng seksismo sa Duterte admin - Hontiveros


Sinisi ni Senadora Risa Hontiveros si Pangulong Duterte sa umano ay sexism outbreak o pagtindi ng pambabastos at panggigipit ngayon sa mga babae lalo na iyong mga nasa gobyerno.

Ayon kay Hontiveros, may average ang pangulo na kada buwan, mayroon itong isang sexist remark o pahayag kontra babae.

Tinukoy nito ang 23 pagkakataon na nagsalita ang kahalayan ang pangulo – mula noong kampanya hanggang nito nang maging pangulo ng bansa.


Inihalimbawa ang paulit-ulit noon na bantang ipakikita sa publiko ang umano ay sex video ni Senadora Leila De Lima, ang pagpuna sa mga tuhod ni Vice President Leni Robredo, rape joke sa harap ng militar at ang kamakailan ay utos sa mga sundalo na barilin sa ari ang mga babaeng makakomunista.

Idiniin na Hontiveros na ang bawat lumalabas sa bibig ng pangulo ay itinuturing na polisiya na ipinatutupad ng mga ahensya ng gobyerno at sinusundan ng mga nakapaligid dito.

Dahil dito kay aniya matindi ang banat sa mga babae sa gobyerno gaya ni Vice President LEni Robredo na na-tsismis na buntis, De Lima na slut-shaming, at sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Morales.

Kaugnay nito, isinusulong ni Hontiveros ang Senate Bill 1326 o panukalang Safe Streets and Public Spaces Act of 2017 kung saan layong ipagbawal ang gender-based harassment gaya ng catcalling, wolf-whistling o paninipol sa babae, pagmumura, panghihipo at pangungulit ng contact number at pangalan at ang paggamit ng mga salitang sexist, homophobic at transphobic o panlalait sa transgender.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment