MISS TAPIA | Aktres na si Mely Tagasa, pumanaw na.


Sa edad na 82, pumanaw na ang aktres na si Mely Tagasa o mas kilala sa karakter na si Miss Tapia, sa hit comedy show noon na Iskul Bukol.

Sa impormasyon mula sa kaniyang pamilya ngayong umaga, isang linggo nang comatose ang aktres, matapos itong ma-stroke.

Ayon kay Gina, isa sa apat na anak ng aktres, mahirap na desisyon ang kinailangan nilang gawin, ngunit tiwala sila sa desisyon ng Diyos, na kunin na ang kanilang ina.

Si Mely Tagasa, ay isa ring radio talent mula pa noong 17 anyos. Labinlimang taong namayagpag ang karakter na ginampanan noon ni Tagasa bilang istriktong propesor sa Iskul Bukul, na pinagbibidahan nila Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Nagtrabaho rin si Tagasa bilang writer at producer.

RMN News
Previous
Next Post »
0 Comment