MMDA: Yung Buko Vendor ang naunang nanakit"



Nakakuha ang MMDA ng isang cellphone video ukol sa pananakit ng mga tauhan nila sa isang buko vendor sa EDSA.

Sinabi ni Celine Pialago, ang tagapagsalita ng MMDA, nakakuha din sila ng video mula sa barangay ukol sa insidente na ang video ay nagsimulang maging viral sa social media noong nakaraang Biyernes.


Ayon pa kay Pialago nakausap niya si Francis Martinez, namumuno sa Sidewalk Clearing Operations Group ng MMDA, unang nanakit ang buko vendor.


 Binanggit pa ni Martinez na gumanti ang isa nilang tauhan sa takot na makuyog na ng mga kasamahang vendors ng lalaki.

 Ang viral video ay kuha ng isang kasamang vendor ng lalaking hinuli. Sa video mapapanood din na nagpapaliwanag ang isang taga-MMDA na kukumpiskahin lang nila dapat ang kariton ng vendor ngunit pumalag ito.

 Mapapanood din ang isa sa mga tauhan ng MMDA na kabilang din sa mga nanakit sa vendor na pinagbawalan nito ang kumukuha ng cellphone video at hinabol pa.

 Iniimbestigahan na ang mga sangkot na tauhan ng MMDA.

Abante News Online
Previous
Next Post »
0 Comment