Tuesday, March 6, 2018

NFA administrator na si Jason Aquino ipinatawag ni Pangulong Duterte sa isyu ng rice shortage


Pinahaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet cluster meeting sa susunod na buwan si National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino kaugnay sa usapin ng supply sa NFA rice.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na mismong si Pangulong Duterte ang nag-utos na personal na humarap sa kanya para ipaliwanag ang totoo sa isyu ng supply ng bigas.

Matatandaang naging mainit ang isyu sa kakapusan umano ng supply ng bigas noong Pebrero partikular ang ibinebenta ng NFA na kinontra naman ng NFA council at maging ng Department of Agriculture.

Sinabi ni Roque na naging malawak ang diskusyon sa isyu ng bigas sa cabinet meeting kayat nais ng Presidente na marinig mismo kay Aquino ang tunay na estado ng supply ng bigas sa bansa.

There was an acknowledgement that statements made by the NFA administrator caused panic, which probably caused prices to rise. There was some disagreement on the figures presented yesterday by the National Food Authority NFA Council, but ultimately it was agreed that there is no rice shortage, because the figure of only 1.5 days worth of supply of rice was misleading. That was—again, the 1.5 days is only if it is NFA that is the only supplier of rice in the Philippines, which is not the case, because as I repeat, they supply a minority of our rice requirements,” ani Roque.

Napagkasunduan aniya sa cabinet meeting na ang NFA Council na ang magsasalita sa kasalukuyang supply ng bigas sa bansa.

Ang NFA Council ay pinamumunuan ni Secretary to the Cabinet Leoncio “jun” Evasco.\

Source: RMN News

Related Articles

NFA administrator na si Jason Aquino ipinatawag ni Pangulong Duterte sa isyu ng rice shortage
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email