Sunday, March 4, 2018

Palasyo: Handa na ang mga Pinoy sa Federalismo !



Naniniwala ang Malacañang na handa na ang mga Filipino sa isinusulong na pederalismo ng Duterte administration.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, isa ang pe­deralismo sa mga isyung dinala ni Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya at nanalo naman ito.

Kung hindi aniya handa ang mga botante sa pederalismo ay hindi sana nila ibinoto si Pa­ngulong Duterte.

“Ito ay isang plataporma ni Presidente noong siya ay tumakbo bilang Presidente. Sabi niya isusulong niya ang pe­deralismo, hinalal naman siya ng napakaraming Pilipino. So ang tingin ko handa na ang mga Pilipino, otherwise hindi nila sana hinalal si Presidente Duterte,” ani Roque.

Matatandaang isa ang pederalismo sa isyung bitbit ng Pangulo sa mga paglilibot nito sa iba’t ibang lugar sa bansa lalo na sa Mindanao.

Tiniyak nito sa mga taga-Mindanao na ibibigay niya ang pedera­lismo at kapag nabigo ay bababa ito sa puwesto.

Abante News Online

Related Articles

Palasyo: Handa na ang mga Pinoy sa Federalismo !
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email