Panawagan na pagbibitiw ni Sereno, pinuna ni Davide


Binatikos ni dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. ang panawagan ng mga hukom at empleyado ng Hudikatura na magbitiw na sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa isang kalatas, tinawag ni Davide na mas masahol pa sa proseso ng impeachment at quo-warranto ang panawagan ng mga kabaro ni Sereno.

Iginiit ng dating punong mahistrado na dapat igalang ang karapatan ni Sereno na mabigyan ng due process at hustisya.

Sang-ayon si Davide sa mismong apela ni Sereno sa mga kawani ng hudikatura na huwag makisawsaw sa politika upang mapanatili ang kasarinlan ng kanilang hanay.

Mistula aniyang kinondena na si Sereno ng walang ebidensya at hinatulan ng hindi pa dinidinig ang kaso.

Ikinaalarma rin ni Davide ang iba’t ibang hakbang na ginagawa upang mapatalsik sa puwesto si Sereno.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment