Thursday, March 1, 2018

Pangulong Duterte, nagbabala ng giyera kapag may lumabag sa sovereign rights ng Pilipinas sa Philippine Rise


Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magdadalawang isip na magkakaroon ng giyera kapag may lumabag sa sovereign rights ng Pilipinas sa Philippine Rise.

Sa talumpati ng pangulo sa turnover ng bahay pag-asa phase 2sa Brgy. Mipaga, Marawi City, iginiit ng pangulo na sisiklab ang kaguluhan kapag may magsasagawa ng pananaliksik o anumang uri ng aktibidad sa Philippine Rise nang walang paalam mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Binigyang diin rin ng pangulo na ang Philippine Rise ay pagmamay-ari ng Pilipinas.

Sinabi pa ng pangulo na mayroon nang nakaposisyon na isang batalyong Philippine Marines para magbantay sa Philippine Rise.

Source: RMN

Related Articles

Pangulong Duterte, nagbabala ng giyera kapag may lumabag sa sovereign rights ng Pilipinas sa Philippine Rise
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email